Hello 4-3! May quiz yata tayo sa C.L. bukas about this. Please study, ok?:)
The Sign of the Cross
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
SAMASAMPALATAYA
The Apostles' Creed
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao. At sa buhay na walang hanggan. Amen.
Ama Namin, sumasalangit ka
Our Father
Ama Namin, sumasalangit ka.Sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa aminAt huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Aba Ginoong Maria
Hail Mary
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay. Siya nawa.
Luwalhati sa Ama
Glory Be
Lualhati sa Diyos Ama, Diyos Anak, at sa Diyos Espiritu Santo. Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailan man, magpasawalang hanggan. Siya nawa.
Panalangin ng Fatima
Fatima Prayer
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Aba Po Santa Mariang Hari
Hail Holy Queen
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo. R. Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.
Final Prayer
Panalangin. Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggang sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao,pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli,ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo,na sa pagninilaynilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na hamimbawang nalalarawan doon, kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin;alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin;na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.Siya nawa.Amen.
Yung Morning Offering and Prayer to the Holy Spirit, bibigyan ko kayo ng copy. Thank you so much!:))
-Janica
Tuesday, September 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment